Sunday, February 15, 2009

Uyyy... di ako petiks ha....

Kanina may pumasok na naman sa isip ko...
Anu b un?
hehehe..
ndi ko alam e...
nagbabasa ako ng blog kanina,,, nakakatuwa kasi katulad ko, may ibang tao din palang gustong magkwento ng mga pangyayari sa mga buhay buhay nila no?

sa bagay, mas mganda ng magblog kesa mag post sa bulletin ng Hi, Hello, Gudmorning, Gudnyt at kung anu anu...

haha...
Nakapagbasa na ba kayo ng mga Libro ni Bob Ong?
ako, oo...
pero hiram ko lang sa kaOJT ko...

(bob ong, kung nasaan ka man, swerte mo, libreng advertisement na 'to)

haha...
eniweis, alam nio ba ung Paboritong Libro ni Hudas????
hindi ako hudas pero paborito ko rin xa haha....

nakakatawa lang n may mga bagay2 n naiisip si bob ong na hindi mo ineexpect na maiisip nia... heheh...

maganda din ung Alamat ng Gubat?
Kung saan pinapakita kung anong merong lipunan tau...

e ang Stainless Longganisa?
Kung saan pinapahayag niya kung paano xa nagsimulang magsulat...
try nio ivisit ung http://www.visprint.net/publications/bob/index.htm

kay Bob Ong yan... at katulad ng libro nia... matatawa din kau jan... hehe...

haha... ayan nagkoment n ko kay BO...(ui, kala mo close kami hehe)

natutuwa ako dati sa Philosophy instructor namin...
OO... isa xang malaking Pilosopa... haha....
favorite niya daw si Socrates, Plato, Friedrich Nietzsche, et. al. haha....
halos lahat ata ng Philosopher favorite nia e...
pero nakakatuwang pakinggan ang naging klase namin sa kanya, dahil sa pagiging pilosopa nia, madami kaming natutunan... hehe...

may isa siyang favorite na philosophy... at dahil siya ang may fave nun, kapg tinanong m skin, d ko ssbhin... dahil ndi ko alam... haha...


Teka,,, happy Viewing nga pala kay Jewel R. Cesar... nagbabasa siya ngayon... say hi... hehe...

continue...
sa pagsisiyasat ko, aking nakita ang isang philosophy...

It is proper for you to doubt .. do not go upon report .. do not go upon tradition..do not go upon hearsay..' (Buddha, Kalama Sutra)


Nanggaling na yan kay Buddha ha?
haha... ok lang daw ang maghinala...
Pero, hindi dahil sa sinabi ni Buddha e lage na lang kayong maghihinala ha?
hehe.... ang paghihinala, hindi yan isang practice na kailangan mong ulit ulitin para maperfect mo... o mcomplete mo...
pero dahil nga sa sinabi ni Buddha, pwede taung maghinala,.. kaya pag sinabi sayo ng Bf/Gf mo na... "Naghihinala ka na naman ba? Wala ka bang tiwala sakin?",,, isa lang ang sabihin mo..."Ayon kay Buddha, ok lng daw maghinala, at simula ngayon, yon na din ang pilosopiya ko.."

Pero, mag ingat dahil hindi lahat ng sinasabi ko nakakatawa at may sense... haha... baka mag-away kayo ng jowa mo, ako pa sisihin mo... at un ang mali.,.. herher...=p

Hatred is never appeased by hatred in this world; it is appeased by love. This is an eternal Law.From The Dhammapada;

Ayon sa Eternal Law, ang galit daw ay hindi maaayos ng dahil lang din sa galit... aba teka, gets nio naman di ba? kayo na magtranslate sa utak niyo haha,... masyado ng nagagamit utak ko.... baka piso na lang ang katumbas nito pag nagbentahan na ng utak haha....
Hindi namang sinabing mahalin niyo yung kinakainisan niyo, pero hangga't maaari dapat ipagpaliban mo na lahat ng galit mo dahil sa bandang huli, paglipas ng panahon, lahat ng bagay naaayos... kaya mas magandang ok ka na, kesa magalit ka.... cge ka, matutulad ka sa classmate kong si Nova... Guild Master namin 'yun, at dahil hindi maramdaman, ayon, lumayas na yung ibang classmate namin sa Guild haha....
swerte niya at may muse siyang luya... kundi, baka wala na xang kGuild haha...
(Nova kung nasaan ka man, swerte mo at kaGuild mo pa ko haha)
teka, nga pala, bakit matutulad kay Nova? Dahil ayon, nHighBlood... pero hindi dahil galit xa.... kundi dahil ewan ko ba dun hehe....

move on....(auq ng moving on...)

tama na nga...

eto na lang basahin mo...

Ndi to kanta haha...=p

ndi kita iiwan dahil sinabi mong wag kitang iiwan...
ndi kita iiwan kc alam kong mahal mo ko...
ndi kita iiwan kc alam kong masaya ka sa piling ko...
ndi kita iiwan dahil alam kong nasanay ka na na lage kong nasa tabi mo...
ndi kita iiwan dahil mahhirapan ka sa pagkawala ko....
at higit sa lahat, ndi kita iiwan dahil lahat ng nararamadaman mo ay mas higit pa ang mararamdaman ko...
at dahil na rin sa alam ko na kahit isang hakbang palayo ay hindi ko kakayaning gawin...
lalo na siguro pag lumayo pa ako...
nakakatawa mang sabihin pero...
ndi kita iiwan dahil na rin sa kgustuhan kong umupo lage sa tabi mo....=p
-anu daw?
haha...
=p

Tuesday, February 10, 2009

Coffee Mug


Bakit ganoon ang mga tao?
Isinisisi nila sa iba yung mga bagay na nagawa nila?

katulad ng nanay ko kaninang umaga....
nabasag niya kasi iyong mug ng tatay ko.
galing pang saudi yun hehe...
at dahil pauwi na ang tatay ko, ang sabi niya, "Bakit kasi nilagay sa may gilid ng lamesa yung tasa eh, nabasag tuloy."
at ang diskusyunan namin ay nagsimula hanggang sa maisakay na niya ko sa tricycle.

Ang sabi ko nga sa nanay ko, "Bakit mo isinisisi sa naglagay dun 'yung kasalanan mo? Kung hindi mo naman natabig 'yun, hindi mababasag..."
Sabi naman niya, "Kasi kung hindi nilagay dun, e di hindi ko dapat natabig."
Ang sabi ko naman, "e kung nagdahan-dahan ka,e di sana hindi mo natabig."

and so on and so forth.

Wala ng kwentang magtalo dahil basag na....
Natatawa ko at natutuwa dahil sa mga simpleng diskusyunan, may mga simpleng aral na lumalabas....

Minsan, mga bagay talaga tayong nagagawa sa buhay na hindi natin nagugustuhan ang kinalalabasan.

Kahit ako, may mga nangyari din sa buhay ko na gusto ko sanang pagsisihan, pero what's the point?
Di ba ako rin naman ang may kasalanan?
bakit ko pa isisisi sa sarili ko?
At 'yun ang nasa isip ng ibang tao, in denial man sila pero the main reason why they keep on blaming others about the things that happened to them was because they couldn't accept the fact that it happened because they let it happen, right?






The main point why I post this is because I just want to analize the things that happened this morning hehe,,,

You know it's just kinda funny how people react on the things they've done. But no matter what reaction they have given, at the end of the day, regrets shouldn't be taken seriously. I mean, there's a reason why the word "regret" has been invented, but, in my opinion, we shouldn't be using the word regret because in the first place, you were the one who made the decision, and you're the one who's responsible with those decisions.

haha...
aba teka, bakit napunta na ata tayo sa decision making?
haha....
napakamakwento tlaga....

sana may magbasa ng blog ko...
huhu...
ipagkakalat ko to...

willing akong itranslate sa english at tagalog to haha...

last moment..

There are certain things in life that we couldn't renew, like, broken mug or maybe a broken heart... because once it's broken, it'll never be whole again, oops. it can be whole again but the fact that it's broken will still remind us, "the mark or the disfigured part".