Tuesday, February 10, 2009

Coffee Mug


Bakit ganoon ang mga tao?
Isinisisi nila sa iba yung mga bagay na nagawa nila?

katulad ng nanay ko kaninang umaga....
nabasag niya kasi iyong mug ng tatay ko.
galing pang saudi yun hehe...
at dahil pauwi na ang tatay ko, ang sabi niya, "Bakit kasi nilagay sa may gilid ng lamesa yung tasa eh, nabasag tuloy."
at ang diskusyunan namin ay nagsimula hanggang sa maisakay na niya ko sa tricycle.

Ang sabi ko nga sa nanay ko, "Bakit mo isinisisi sa naglagay dun 'yung kasalanan mo? Kung hindi mo naman natabig 'yun, hindi mababasag..."
Sabi naman niya, "Kasi kung hindi nilagay dun, e di hindi ko dapat natabig."
Ang sabi ko naman, "e kung nagdahan-dahan ka,e di sana hindi mo natabig."

and so on and so forth.

Wala ng kwentang magtalo dahil basag na....
Natatawa ko at natutuwa dahil sa mga simpleng diskusyunan, may mga simpleng aral na lumalabas....

Minsan, mga bagay talaga tayong nagagawa sa buhay na hindi natin nagugustuhan ang kinalalabasan.

Kahit ako, may mga nangyari din sa buhay ko na gusto ko sanang pagsisihan, pero what's the point?
Di ba ako rin naman ang may kasalanan?
bakit ko pa isisisi sa sarili ko?
At 'yun ang nasa isip ng ibang tao, in denial man sila pero the main reason why they keep on blaming others about the things that happened to them was because they couldn't accept the fact that it happened because they let it happen, right?






The main point why I post this is because I just want to analize the things that happened this morning hehe,,,

You know it's just kinda funny how people react on the things they've done. But no matter what reaction they have given, at the end of the day, regrets shouldn't be taken seriously. I mean, there's a reason why the word "regret" has been invented, but, in my opinion, we shouldn't be using the word regret because in the first place, you were the one who made the decision, and you're the one who's responsible with those decisions.

haha...
aba teka, bakit napunta na ata tayo sa decision making?
haha....
napakamakwento tlaga....

sana may magbasa ng blog ko...
huhu...
ipagkakalat ko to...

willing akong itranslate sa english at tagalog to haha...

last moment..

There are certain things in life that we couldn't renew, like, broken mug or maybe a broken heart... because once it's broken, it'll never be whole again, oops. it can be whole again but the fact that it's broken will still remind us, "the mark or the disfigured part".

No comments: